Mga late-night shows ang nasa TV and puro reruns pa rin. Although matagal na rin akong hindi nakakapanuod since nagpakabit ako ng DSL. Kung reruns pa rin ang napapanuod ko, malamang hindi pa tapos ung writer’s strike sa kanila.
Anyway, may mga bagay talaga minsan ang hirap i-gets, hindi dahil mahirap talaga i-gets pero ayaw mo na lang talagang isipin pa kung ano ang dahilan. Gaya ng nangyaring kalechehang kudeta kanina. Anak ng kamote. Binalita sa kin ng mga colleagues ko sa Cebu na may mga tangke sa Makati. Hindi ako naniwala agad, akala ko nangi-istorbo na naman, which is favorite nilang gawin. Ayun, meron nga. Tapos, bandang hapon, sumuko rin ang mga nagpasimula ng kudeta. Kudeta, kudeta. Lang kwenta, or pwede ring hindi ko lang maintindihan. Maaaring may dahilan, at meron malamang silang pinaglalaban, pero ako, most of the time, pagdating sa mga issue ng bansa, wala na talaga akong pakialam. Gusto ko lang ng tahimik na pamumuhay.
Matatahimik nga ba ang pamumuhay mo kung malaman mong nagdeclare ng curfew? Ano mangyayari pag naabutan ka nila sa labas at past curfew na (ang ingay ni Conan, kakairita)? Sino mga nagroronda Metro Manila? Mga tanong na walang kwenta.
Buti na lang at walang pasok bukas. Salamat at namatay si Andres Bonifacio. Idol.