Gusto ko nang lumipat ng bahay. Kahapon, pinuntahan ko ung sinasabi nung batchmate ko nung college na ginagawang dorm-type building sa may kapitolyo. Masyadong maliit ang mga rooms at mahal, 5k pero andun na lahat (kuryente, tubig) at ang isang pangit pa kapag dun ka nakatira ay ung commute papuntang ortigas (which is wala or hindi ko lang alam kung meron). I think wala kang choice kung hindi mag taxi or maglakad. Gusto ko nalalakad lang, pero pag maglakad ka ng 45 minutes araw araw papasok sa office, wag na lang.
Kailangan ko nang lumipat.







